Monday, August 23, 2010
SI NINOY: AMA, PILIPINO, BAYANI
Ngayong umaga, hayaan ninyo akong ibahagi sa inyo ang ilang sipi ng liham ni Ninoy Aquino sa kaniyang anak na si Noynoy noong Agosto 25, 1973 habang nakakulong sa Fort Bonifacio.
?I have decided not to participate in the proceedings of the Military Commission assigned to try the charges filed against me by the army prosecution staff. As you know, I?ve been charged with illegal possession of firearms, violation of RA 1700 otherwise known as the ?Anti-Subversion Act? and murder?.
By not participating in the proceedings, I will not be represented by counsel, the prosecution will present its witnesses without any cross examinations, I will not put up any defense, I will remain passive and quiet through the entire trial and I will merely await the verdict. Inasmuch as it will be a completely one-sided affair, I suppose it is reasonable to expect the maximum penalty will be given to me. I expect to be sentenced to imprisonment the rest of my natural life, or possibly be sent to stand before a firing squad. By adopting the course of action I decided upon this afternoon, I have literally decided to walk into the very jaws of death.
You may ask: why did you do it?
Son, my decision is an act of conscience. It is an act of protest against the structures of injustice that have been imposed upon our hapless countrymen. Futile and puny, as it will surely appear to many, it is my last act of defiance against tyranny and dictatorship?
Forgive me for passing unto your young shoulders the great responsibility for our family. I trust you will love your mother and your sisters and lavish them with the care and protection I would have given them??
Labintatlong taong gulang lamang si Noynoy nang matanggap niya ang liham na ito. Para sa isang ama, nais niyang iwan ang isang mensahe sa kaniyang anak - ang huwag matinag sa pinaniniwalaang prinsipyo. Sa kaso ni Ninoy, nangahulugan ito ng pagkakawalay sa kaniyang pamilya, pagkakakulong at posibleng kamatayan. May pagkakataon sana si Ninoy na ipagtanggol ang kaniyang sarili sa mga ipinaratang sa kaniya sa tulong ng kaniyang mga abugadong sina Jovito R. Salonga at Lorenzo M. TaƱada. Ito na marahil ang pinaklohikal na desisyong maaaring gawin. Sa harap ng mga ganitong sitwasyon, masusukat ang pagkatao ninuman. Ang pinili ni Ninoy, ang landas na hindi karaniwang pinipili ng nakararami ? ang lumaban sa diktadurya. Pinili niyang iprotesta ang sa tingin niya?y maling istrukturang lumilitis sa kaniya. Nais niyang iparating sa diktador na hindi-hindi siya magpapagamit sa pamamaraang kumikitil sa demokrasya.
Alam ni Ninoy ang kahihinatnan ng ganitong desisyon. Pero tumakbo marahil sa isip niya, anong mukha ang ihaharap ko sa aking asawa, mga anak at kapwa Pilipino kung basta na lamang ako magmakaawa kay Marcos upang palayain at mamuhay ako nang tahimik? Sabi nga ni Ninoy sa kaniyang binasang pahayag sa Military Commission noong Agosto 27, 1973, ?Some people suggest that I beg for mercy. But this I cannot in conscience do. I would rather die on my feet with honor, than live on bended knees in shame.? Sa panahon ngayon, ilan ang pipiliing panatilihin ang kaniyang dangal kaysa mas madaling pamamaraan?
Panandaliang nanirahan sa Estados Unidos si Ninoy upang magpaopera sa puso subalit hindi niya kayang talikuran ang kaniyang konsensiya. Nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas. Nilalayon niyang kumbinsihin si Marcos na ipanumbalik ang demokrasya sa Pilipinas. Bumalik siya gamit ang pangalang Marcial Bonifacio noong Agosto 21, 1983.
Marahil natakot rin si Ninoy. Ibinunyag niyang magsusuot siya ng bullet-proof vest para sa kaniyang katawan subalit wala na raw siyang magagawa para protektahan ang kaniyang ulo. Habang kinakapanayam ng mga mamamahayag sa loob ng China Airlines Flight 811, parang nakini-kinita na niya ang kaniyang kapalaran. Wika ni Ninoy, ?You have to be ready with your hand camera because this action can become very fast. In a matter of 3 or 4 minutes it could be all over, and I may not be able to talk to you again after this.? At ganoon nga ang nangyari. Sa tarmac ng Manila International Airport, tumambang ang katawan ni Ninoy ilang sandal matapos lumapag ang sinasakyan niyang eroplano. Ibinurol siyang hindi hinuhugasan ang marka ng tama ng baril sa kaniyang ulo, mga tanda ng kaniyang kahandaang mamatay para sa bayan.
Naantig ang puso ng mga Pilipino. Humaba ang pila ng mga nakikiramay. Milyon ang bilang ng mga nakipaglibing. Sa ika-27 taon ng paggunita natin sa pagkamatay ni Ninoy, tingnan natin ang ginagawa natin para sa ating bayan.
Manalangin tayo.
Gambalain Mo Kami, Panginoon kung
Sa karangyaan ng mga bagay na aming pag-aari
Nawaglit ang aming uhaw
Sa tubig ng buhay;
Na nang kami'y humilig sa buhay,
Nahinto rin ang aming pag-aasam sa Walang Hanggan
At sa aming pagsisikap na magtayo ng panibagong daigdig
Hinayaan naming ang aming pananaw
Sa bagong Langit na magdilim.
Gambalain Mo Kami, Panginoon na mangahas ng buong tapang,
Na maglakbay sa higit na malalalim na karagatan
Na kung saan ang mga unos ay maghahayag ng iyong pagka-Panginoon;
Kung saan, mawala man sa aming balin-tataw ang mga lupa,
Matatagpuan naman namin ang mga bituin.
Hinihiling namin, Sa Iyo, na itulak patungo
sa mga hangganan ng abot-tanaw ang aming mga pag-asa;
At ihatid kami sa hinaharap
Na may lakas, tapang, pag-asa at pag-ibig.
--panalangin sinasabing katha ni Sir Francis Drake, 1577
Labels:
Nation Building,
Nationalism,
Ninoy Aquino,
Reflection
Subscribe to:
Posts (Atom)