Showing posts with label Mary. Show all posts
Showing posts with label Mary. Show all posts

Monday, September 06, 2010

ANG KAARAWAN NG INANG MARIA


Setyembre. May kung anong hatid ang buwan na ito.Para bang nagbibigay-hudyat sa atin para magsaya at mapuno ng pag-asa.Kapag tumapak na kasi ang kalendaryo sa buwang ito, umpisa na ng countdown.Bawat pisara sa mga silid-aralan ay siguradong may nakasaad na “____ days before Christmas!” Ang mga morning shows sa telebisyon ay may iba’t-ibang choir na umaawit ng Christmas carols, ang mga department stores ay nagdi-display na ng mga naka-eengganyong mga palamuti para sa Pasko,at ang sikat na Policarpio Street sa Mandaluyong ay naghahanda na para i-showcase ang kanilang mistulang Christmas village.Pero teka,bago ang Pasko, kaarawan muna ng ating Mahal na Ina. Setyembre bago Disyembre. Bago isinilang si Kristo, isinilang muna ang kanyang Mahal na Ina. Bakit nga ba natin ipinagdiriwang ang kaarawan ng tinatawag nating lahat na “Mariang Ina Ko”? Gaano ba siya kahalaga sa atin bilang mga Kristyano?

Para sa ating mga Pilipino at maging sa mga tao sa ibang panig ng mundo, ang pagdiriwang ng kaarawan ay isang mahalaga at masayang okasyon. Para bang sa bawat selebrasyon – ke pansit lang at ice cream ang meron, ito ay nagsasabi sa may kaarawan na “ikaw ay espesyal, ikaw ay minamahal, ikaw ay natatangi, masaya kami na nandyan ka.” Ganito rin ba ang ating damdamin o saloobin para sa Mahal na Birheng Maria?

Sa lahat ng masasakit at mahihirap na dinaraanan natin sa buhay, ang Birheng Maria, pareho ng ating mga ina, ang siya nating takbuhan. Sa bingit ng hukay, gusto nating tangan niya ang ating mga kamay sabi nga sa isang awiting pandasal. Ilang beses na ba tayong dumulog sa kanya sa oras ng kalungkutan, kapighatian at matinding pangangailangan? Bakit mayroon siyang shrine sa Edsa? Bakit kaya sa loob ng 300 na taon ay nagawa ng ating mga kababayan sa Bikol na mahalin at magkaroon ng debosyon kay Ina o ang Our Lady of Penafrancia – na isa lamang sa napakaraming imahe ng Mahal nating Ina?
Bakit tayo nagrorosaryo?

Ang kaarawan ng Birheng Maria ay siya lang namang nagbigay-daan sa pagluwal sa Tagapag-ligtas. Si Maria ay ipinagdalang-tao ng kanyang ina na si Anna. Siya na ipinagdalang-tao ay siya ring nagdadala ng mga tao palapit sa Diyos, palapit sa kaligtasan. At ang kaganapan ng lahat ng ating minimithi at pinapangarap ay nanggaling sa kanyang sinapupunan. Paano ba siyang hindi magiging espesyal? Paanong hindi natin mamahalin? Paanong hindi itatangi? At paanong hindi maghahatid ng saya at pag-asa sa atin? Hindi ba’t tulad ng ating mga ina, nilalapitan natin siya bilang ating taga-pamagitan? Kapag may kailangan kay itay at nahihiya o natatakot tayong magsabi, di ba kay inay tayo lumalapit? Kapag tayo’y may sakit, hindi ba’t ang mga nanay natin ang ating tinatawag at gusto laging andyan sa bawat ingit?

Kung kaya’t tulad ng isang anak na mapagmahal sa kanyang Inang natatangi, gusto nating ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw. Ano’ng handa ba ang magpapaligaya at makapagpapataba ng kanyang puso? Ano ba ang maaari nating gawin? Sa aking tingin, kaya tayo naglulunsad ng KFD. Ito ang ating regalo sa Mahal nating Ina. Ito ang ating pagpapakita na mahal natin siya dahil mag-aalay tayo ng ating mga sarili upang matugunan ang pangangailangan ng iba pa niyang mga anak na naghihirap. Hindi ba’t ganyan ang nakakapagpasaya sa isang ina? Ang makita ang kanyang mga anak na nagmamahalan at nagtutulungan?

Sa iyo, mahal naming Ina, maligayang kaarawan! “ikaw ay espesyal, ikaw ay minamahal, ikaw ay natatangi, masaya kami na nandyan ka.”


Tayo’y manalangin:

Panginoon,

Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagkakaloob sa amin ng isang Inang Mariang mapagmahal, matiisin, matatag at malalim ang pananamplataya. Ang kanyang kaarawan ay nagbigay-daan sa aming kaligtasan. Harinawa ay kasihan mo kami ng Iyong mahal na grasya upang higit pa naming siyang mahalin at gayahin. Patuloy pa sana niya kaming gabayan ay akayin sa aming paglalakbay tungo sa Iyo, Panginoon ng Kaliwanagan. Amen.

Inihanda ni: Meng N. de Guia

Source of picture: http://campus.udayton.edu/mary//meditations/birthday.html

Monday, September 14, 2009

Greater and Happier Things Will Come Soon

Yesterday, I got so surprised

To have seen and heard

a TV program present Christmas Carols

sung so early in September.

My sister said, it’s because we’re in the first ‘ber’ month.

And in the Philippines,

we know that Christmas starts early.

September ushers hope,

Hope that greater, happier things will come soon

Especially in December

When we all gather again as families

And spend together the most festive season of all.

This month our school carries the theme,

“Building the nation through compassionate

and humble service to those in need

in imitation of the Blessed Virgin Mary”

As Ateneans,

We look up to Mary as our perfect model.

She is the source of our hope.

Hope that happier things are about to happen in our lives.

Now that’s a thought that should console us

Actually, If we look around us,

We can see that God’s goodness abound

And that happier things will certainly take place.

A pile of newspapers for the ACIL Dyaryo Drive,

Stuff for our KFD booth.

Projects returned with a matching high grade.

A cleaner classroom.

A teacher listening with us.

Classmates praying for us.

Look around.

Look deeper.

Goodness abound.

***

Even as we look beyond our classroom walls

There are hopeful signs that God is at work.

God comes to meet us like the morning rising,

Slowly, though definitely;

Quiet yet clearly.

In our world.

Changes are taking place

In different nations throughout the world.

New leaders are being elected or raised

To replace old but formerly popular governments.

Clamors for environmental action,

Political unity and economic cooperation

Among different peoples

Are getting stronger and more urgent.

In our country:

Amidst the scrambling for seats of power in government,

There are still people who choose to relinquish opportunities

Or to let go of invested wealth and vested interests for the sake of common good.

The hearts of our people are moved by

the remembrance of individuals

Who have used prayer and faith,

Instead of sheer power and manipulation

To effectively improve the quality of our lives.

In our school:

There are programs and systems

that have been in place and have reached

12 and 35 years of service.

This school year, we celebrate the 12th year

of the CSIP and the 35th year Anniversary of

the Tulong Dunong Program.

Quietly, we hope to have a whole generation of Ateneans who have learned from our classroom lessons and their outreach experiences to care for the least in our society; Clearly, through a big family of TD scholars whom we have raised and are striving to live successful lives, we hopefully help them help their own families.

Changes in our liturgical practices

Like the added installation of women lay ministers

Who will assist the community

With the sacred duty of giving Holy Communion,

Allow us to see that life in the Ateneo is always,

new, unfolding and moved by God’s spirit

of justice and love.

Through our men and women lay ministers,

We remember that the call of Christ

to serve his Church is not meant only for

priests but for all.

Let us now pause to pray:

Dearest Mary, help us see that your Son, our Savior,

is at work in our midst.

Help us become like you, a living sign of hope,

That happier things are soon to come,

Hail Mary…

Full of grace the Lord is with you,

Blessed are you among women,

and blessed is the fruit of you womb Jesus!


Holy Mary…

Mother of God,

Pray for us sinners now,

and the hour of our death.


Amen.

Friday, September 11, 2009

Homily for the Nativity of the Blessed Virgin Mary

By Fr. James Gascon, SJ
Delivered
A story is told that in heaven, it was decided that every newly arrived soul should sing a song outside the gate. One’s song would determine whether he or she was worthy to enter the gate or not. Archangel Raphael posted this instruction at the entrance of Paradise.
It happened that the soul of a great patriot, who died fighting against a corrupt government, arrived in heaven. He stood outside its gates and read the instruction. The patriot took a deep breath and begun to sing…
“To dream the impossible dream;
To fight the unbeatable foe;
To bear with unbearable sorrow…”

After the song, the gate of heaven opened and the patriot entered Paradise. Then the gate was locked.

Then came a woman philanthropist. After reading the instructions, she began to sing…

“Climb every mountain, ford every stream,
follow every rainbow, ‘til you find your dream.
A dream that would need all the love you can give…

Again, after her song, the gate of heaven opened. Joyfully, the woman philanthropist entered Paradise and the gate was locked again.

Two souls, who were both hardened criminals on earth, arrived and read the instruction posted at the entrance. After reading it, both of them shook their heads in disappointment. “How are we to enter heaven?” the first criminal asked his companion. “While on earth, the only songs we sang were vulgar and obscene ones. Our songs would reflect our earthly life, heaven’s gate will surely not open for us!” And both of them went away heartbroken.

Then, a lady came. She was a simple mother. She read the instruction, not without much difficulty. She knew not many songs. There was only one she knew. And then she began singing…

“Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon.
Nagalak ang aking espiritu, sa ‘king taga-pagligtas.”

Sapagkat nilingap niya, kababaan ng kanyang alipin.
Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa.”

Once more, after her song, the gate of heaven opened. Gratefully, the Lady entered Paradise. But from then on the gate of heaven was never locked again. And since then, every soul was assured entrance into paradise in her stead. Thus, countless got the chance to enter the gate of Paradise despite their unworthiness. The Lady’s name was Mary.

Can you be an Atenean without a special devotion to Mary? Can you call yourself an Atenean without a rosary in your pocket? Can the days of October pass by without you proudly wearing the medal and blue ribbon on your chest? Can you end a game at the UAAP without singing a hymn to our Lady, win or lose? Here in the Ateneo our special devotion to Mary defines who we are. She is our model, our inspiration, and our mother.

In Mary we find a model. Holy Mother Church teaches us that Mary was the first Christian, the first follower of our Lord. She listened to him because she knew him. She followed him because she loved him. She served him because she believed in him. Mary showed us the way to know, to love and to serve Jesus, and thus she is our model. We only look up to her and we find Jesus her son.
Mary is also our inspiration. Despite her lowliness, she was able to do the will of God. By recognizing the power and compassion of the almighty, she was able to say her Fiat: Let it be done according to your will. From her lowliness she was exulted by God and prepared to be the mother of the Lord. We too can say yes to God if we take our inspiration in Mary. And our experience has shown us that like Mary, we can say yes to God if we recognize his compassion and care for us.
Finally, she is our mother. In the same way that she took care of her son, she takes care of us by interceding for us. How many times have we run to her when we were engulfed in fear and uncertainty? We have the boldness to approach her because we know that she is our mother. And as our mother, she will never refuse us. We are confident children of our Lady.
And today, our Lady’s birthday, we celebrate this Eucharist to honor her. We gather as a community to sing hymns for her, to pray together with her, to honor her as our patron and most of all to thank God for giving us Mary to be our mother. These are the reasons why on her birthday, we give thanks. Gratitude is our response. It is also our gift to her. We thank Mary for her life. We thank her for her openness and for her yes. We thank her for how she raised Jesus to be so full of compassion and a friend to sinners and the poor. We are grateful to her for after she entered the gate of heaven, it remained open welcoming everyone despite all unworthiness.
So today, Mother Mary, our inspiration and model, on your birthday, as sons and daughters of Ignatius, we pray his prayer: Dear Mary, place me with your Son. Let me know him, love him, follow him and serve him more closely. Stand guard over my heart and let the gift of peace remain there especially when the challenges of life confront me and uncertainty haunt me. And when my final hour comes, pray for me and be with me—now and forever. Amen. Hail Holy Mary, my Queen. Pray for us your children.

“Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon!

By Fr. James Gascon, SJ
President/CEO
Center for Family Ministries (CeFaM)

Delivered at the Ateneo de Manila High School Covered Courts
Septmeber 08, 2009

A story is told that in heaven, it was decided that every newly arrived soul should sing a song outside the gate. One’s song would determine whether he or she was worthy to enter the gate or not. Archangel Raphael posted this instruction at the entrance of Paradise.
It happened that the soul of a great patriot, who died fighting against a corrupt government, arrived in heaven. He stood outside its gates and read the instruction.

The patriot took a deep breath and begun to sing…

“To dream the impossible dream;
To fight the unbeatable foe;
To bear with unbearable sorrow…”


After the song, the gate of heaven opened and the patriot entered Paradise. Then the gate was locked.

Then came a woman philanthropist. After reading the instructions, she began to sing…

“Climb every mountain, ford every stream,
follow every rainbow, ‘til you find your dream.
A dream that would need all the love you can give…


Again, after her song, the gate of heaven opened. Joyfully, the woman philanthropist entered Paradise and the gate was locked again.

Two souls, who were both hardened criminals on earth, arrived and read the instruction posted at the entrance. After reading it, both of them shook their heads in disappointment. “How are we to enter heaven?” the first criminal asked his companion. “While on earth, the only songs we sang were vulgar and obscene ones. Our songs would reflect our earthly life, heaven’s gate will surely not open for us!” And both of them went away heartbroken.

Then, a lady came. She was a simple mother. She read the instruction, not without much difficulty. She knew not many songs. There was only one she knew. And then she began singing…

“Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon.
Nagalak ang aking espiritu, sa ‘king taga-pagligtas.”

Sapagkat nilingap niya, kababaan ng kanyang alipin.
Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa.”


Once more, after her song, the gate of heaven opened. Gratefully, the Lady entered Paradise. But from then on the gate of heaven was never locked again. And since then, every soul was assured entrance into paradise in her stead. Thus, countless got the chance to enter the gate of Paradise despite their unworthiness. The Lady’s name was Mary.

Can you be an Atenean without a special devotion to Mary? Can you call yourself an Atenean without a rosary in your pocket? Can the days of October pass by without you proudly wearing the medal and blue ribbon on your chest? Can you end a game at the UAAP without singing a hymn to our Lady, win or lose? Here in the Ateneo our special devotion to Mary defines who we are. She is our model, our inspiration, and our mother.

In Mary we find a model. Holy Mother Church teaches us that Mary was the first Christian, the first follower of our Lord. She listened to him because she knew him. She followed him because she loved him. She served him because she believed in him. Mary showed us the way to know, to love and to serve Jesus, and thus she is our model. We only look up to her and we find Jesus her son.
Mary is also our inspiration. Despite her lowliness, she was able to do the will of God. By recognizing the power and compassion of the almighty, she was able to say her Fiat: Let it be done according to your will. From her lowliness she was exulted by God and prepared to be the mother of the Lord. We too can say yes to God if we take our inspiration in Mary. And our experience has shown us that like Mary, we can say yes to God if we recognize his compassion and care for us.
Finally, she is our mother. In the same way that she took care of her son, she takes care of us by interceding for us. How many times have we run to her when we were engulfed in fear and uncertainty? We have the boldness to approach her because we know that she is our mother. And as our mother, she will never refuse us. We are confident children of our Lady.
And today, our Lady’s birthday, we celebrate this Eucharist to honor her. We gather as a community to sing hymns for her, to pray together with her, to honor her as our patron and most of all to thank God for giving us Mary to be our mother. These are the reasons why on her birthday, we give thanks. Gratitude is our response. It is also our gift to her. We thank Mary for her life. We thank her for her openness and for her yes. We thank her for how she raised Jesus to be so full of compassion and a friend to sinners and the poor. We are grateful to her for after she entered the gate of heaven, it remained open welcoming everyone despite all unworthiness.
So today, Mother Mary, our inspiration and model, on your birthday, as sons and daughters of Ignatius, we pray his prayer: Dear Mary, place me with your Son. Let me know him, love him, follow him and serve him more closely. Stand guard over my heart and let the gift of peace remain there especially when the challenges of life confront me and uncertainty haunt me. And when my final hour comes, pray for me and be with me—now and forever. Amen. Hail Holy Mary, my Queen. Pray for us your children.

Thursday, September 03, 2009

Faith in God's Plan


The Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary
September 8

“We know that all things work for the good for those who love God,
who are called according to His purpose.” –Romans 8:28

Today, we celebrate the birth of a child, who, nine months ago (December 8), was immaculately conceived in the womb of her mother, St. Anne, by her father, St. Joachim.

When this child was born, her parents probably did not know the great miracles that their little girl was destined for. All they saw was the miracle of life before them. And like all loving parents, they must have struggled to give this child a good home and tried their very best to form her to become a good person and to live a life of faith, without knowing the kind of future that awaits her. They simply trusted that God has a good plan for their child.

For who would have known the wonders that awaited this child?

A child, who from the very beginning, was chosen by God to be “full of grace”, whose enmity toward Satan was spoken of as far back as Genesis, and described in a vision of a woman crowned with stars with the moon under her feet in the Book of Revelation. A child, who would eventually be known as “blessed among all women”, the one whom God has chosen to bear His only Son, to bring life to the world.

This child is, of course, the Blessed Virgin Mary, the Mother of our Lord and Savior, Jesus Christ. It is her nativity that we are honoring today.

As the mother of our Lord, Mary has always been greatly revered and given a special place in the life of the Church. In fact, the feast of her birth has been celebrated in the Church since the 7th or 8th century. And this feast is one among the only three birthdays honored in the Liturgical Year, the other two being Christ’s Himself (December 25) and his precursor, John the Baptist’s (June 24).

However, as always, this feast is not an end in itself, but rather, points to and anticipates the coming of our true end and destiny, in Mary’s Divine son, Jesus Christ. As the song goes, “Mariang Ina ko…kay Kristong kuya ko, akayin mo ako”.

As we celebrate the feast of the nativity of the Blessed Virgin Mary, we also celebrate important events in our school: the installation of our Women Eucharistic ministers, the launch of the Katipunan Fund Drive (KFD) and the 35th year anniversary of the Tulong Dunong (TD) Program (1975-2010).

Who would have known the important roles that women would play in the life of the Church? Or how far the simple acts and generosity of our students would reach? Or how a scholarship program, which began 35 years ago through the efforts of the late Fr. James O’ Brien, SJ, would continue to flourish and bear much fruit even after so many years?

In the end, only God does—He who has called us His children, who has written our names in the palm of His hand. As cliché as it sounds, God knows what is truly best for us. The real challenge then is for us to have faith in God’s plan, that just like the life of Mary, “all things [do] work for the good for those who love God, and who are called for His purpose.”

Let us pray: God, Our Father, we ask for the grace of faithfulness, that we may truly fulfill Your plans for us and accomplish the purpose for which You have made us. We ask this through your Son, Jesus Christ, in the Holy Spirit. Amen.
Mary, Our Mother, Pray for us.

Sources:
“Doing Our Best Each Day” in Inviting God In by Joyce Rupp,
http://www.wf-f.org/BirthofMary.html, http://www.fisheaters.com

Within the Mass, the following female faculty, professionals and staff will be commissioned as Special Ministers of Holy Communion.

1. Ms. Ester M. Abito (Science)
2. Ms. Eloisa B. Albert (Science)
3. Ms. Suzanne Darlene U. Alvarez (Campus Ministry)
4. Ms. Zenaida V. Badillo (School Nurse)
5. Ms. Estela E. Banasihan (Aralin Panlipunan)
6. Ms. Mercy N. de Guia (Head Moderator)
7. Ms. Dolly G. Ducepec (CLE Subject Area)
8. Ms. Marilyn M. Lee (Office of the SAC)
9. Ms. Josie A. Loveranes (Testing and Research Office)
10. Ms. Karen Patricia N. Ong (English)
11. Ms. Ma. Margarita M. Pavia (Math)
12. Ms. Genalyn S. Sanvictores (CLE)
13. Ms. Amelia C. Solmerin (CLE)

Tuesday, August 18, 2009

Homilya Para sa Kapistahan ng Pag-aakyat Kay Maria Sa Langit


ni Padre Pat Falguera, SJ

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya.
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
at pinagpala rin naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos.
Ipanalangin mo kaming makasalanan.
Ngayon at kung kami’y mamamatay.
Amen.

Sa aking palagay, malamang ito ang isa sa mga unang panalangin itunuro sa atin ng ating mga magulang. Isang panalangin ipinasa sa ating mga lolo at lola, ng kanilang mga lola at lolo. Ilang beses ko na rin kasing nasaksihan ito sa parokya. Kung paano itinuturo ng isang ina o isang ama, ang panalanging ito sa kanyang anak. Bago umalis ng bahay at pumasok sa paaralan. Bago kumain ng hapunan matapos maglaro. Bago matulog matapos gawin ang assignment.

Malamang, unang nagisnan din natin ang panalanging ito mula sa mga madre at mga katekista. Sa unang pagtanggap natin ng mga sakramento ng simbahan. Sa binyag. Sa unang kumpisal. Sa ating first communion. At tila nga nakagisnan na rin natin ang panalanging ito sa iba’t ibang panahon ng ating simbahan. Tuwing Oktubre. Tuwing Pasko at Bagong Taon. Tuwing Biyernes Santo at Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Madalas nga, hindi tayo malay na isinasambit na pala natin ang panalanging ito sa samu’t saring ritwal nating mga Pinoy. Bilang panghele sa anak. Habang nagbabantay sa ospital. Habang nakasakay sa FX papuntang opisina. Madalas, nananalangin tayo sa ating Mahal na Ina, kung may hinihiling tayo. Bago tayo mag abroad para magtrabaho ay dinadalaw natin siya sa Antipolo. Bago tayo mag job interview ay nagno-nobena tayo sa Baclaran. Bago tayo mag board exam ay dumadayo pa tayo sa Manaoag.

Napapansin ko nga, madalas may mga rosaryong nakatago sa ating mga bulsa. Lalo nga itong patagong nakalihim sa bulsa ng mga kalalakihan o lantaran na ring nakasabit sa mga motorbike. Ginagamit man natin itong agimat o panlaban sa masama. Ito ang ating dala dala, construction worker man tayo sa site o sales lady sa isang department store. At inilalabas mula sa taguan at idinadasal habang nakatirik ang dyip sa trapik. O di naman kaya’y kung tayo ay pauwi na, sakay ang MRT.

At madalas kung tayo nagkaka-krisis bilang pamilya o sambayanan, ito ang panalanging paulit ulit nating binabanggit. Nakakailang Aba Ginoong Maria kaya ang isang ina habang hinihintay ang results ng kanyang biopsy test? Nakakailang Aba Ginoong Maria kaya ang isang tatay habang isinusugod ang anak na naaksidente at duguan? At nakakailang Aba Ginong Maria kaya ang isang binata habang hinihintay nya ang sagot ng kasintahang nililgawan?

At kung titingnan natin ang kasaysayan ng ating bansa, ilang daang Aba Ginoong Maria kaya ang isinamo ng mga katipunero para makamit ang kalayaan? Ilang daang Aba Ginoong Maria kaya ang ipinalangin ng mga gerilya sa gitna ng digmaan? At ilang libong Aba Ginoong Maria kaya ang isinamo sa EDSA noong 1986 at 2001 sa gitna ng di katiyakan at pag-aalinlangan.

Kung ito ang panalanging ating unang natutunan, tila ito rin ang huling panalangin ating isinasambit sa bingit ng kamatayan. Magdadalawang linggo na noong ating nabalitaan kung paano yumao si Pangulong Cory Aquino. Sa ikalimang misterio ng hapis, huling huminga raw ang ating mahal na Pangulo. At sa mga sumunod na araw, ating nasaksihan kung paano inihatid ng panalanging ito si Tita Cory mula simbahan hanggang sa kanyang huling hantungan.

Bakit kaya malapit sa ating mga puso ang panalanging ito? Sa aking palagay, may tatlong dahilan kung bakit nakagisnan at nakaukit na sa ating mga puso ang panalangin ni Maria. Unang dahilan: dahil sa biyaya at pangako. Ikalawang dahilan: dahil sa galak at pasasalamat. At ikatlong dahilan: dahil sa pagsamo at pagapapaubaya.

Ang unang dahilan, dahil sa biyaya at pangako.

Sa unang pagbasa, narinig natin ang tila isang pangako: Isang babaeng malapit nang manganak ng isang sanggol na itinakdang maghahari sa lahat ng bansa. At sa ebanghelyong ating narinig, ipinamalas naman ang biyaya ng pagdalaw ni Maria sa kanyang pinsang si Isabel. At tila itong biyaya at pangako ay napaloob din sa panalangin para sa ating Mahal na Ina:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya.
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.

Madalas, kapag nagbitiw tayo ng salita na gagawin natin ang isang bagay, ito ay nagiging pangako. Ngunit madalas, mahirap isakatupuran ang isang pangakong binitiwan. Hindi na tayo lalayo pa para mamulat na napakadaling biguin ang mga pangako. Napakadaling ipangako ng kamara ang Comprehensive Agrarian Reform ngunit bakit hanggang ngayon napakahirap pa rin ipamigay ang lupa sa mga magsasaka ng Sumilao? Napakadaling ipangako ng isang pangulo na maganda ang larangan ng ekonomiya ngunit bakit hanggang ngayon hindi pa rin maayos ang mga tirahan ng mga maralita sa Payatas?

Ngunit sa kabila ng mga kabiguan na dulot ng mga pangakong hindi naisakatuparan, nariyan ang biyaya. Dito nag-iiba ang pangako ng Diyos at pangako ng tao. Kung sa tao, may hidwaan ang salita at gawa; sa Diyos, iisa lamang ang salita at ang gawa. Kung ganito nga ang pangako ng Diyos, bakit tila, walang nagiging epekto ang salita ng Diyos? Sa aking palagay, dito papasok ang biyaya. Ito ang biyayang madalaas ipinagkakaloob sa mga mahihirap. Kaya’t sa gitna ng kahirapan at pag-aalinlangan, hindi nating maiwasan manalangin sa ating Mahal na Ina. Na sa pangako ng sanggol sa kanyang sinapupunan, makamit din sana natin ang biyaya na dalawin nya tayo para magkaroon ng malalim na kahulugan ang ating mga buhay.

Ang pangalawang dahilan naman kung bakit malapit sa ating mga puso ang panalanging ito: dahil sa galak at pasasalamat.

Sa ikalawang pagbasa naman, narinig natin ang galak ni San Pablo sa pagpapahayag ng salita ng Diyos na may muling pagkabuhay sa bingit ng kamatayan. At sa ebanghelyong narinig natin, nasaksihan natin ang pasasalamat ni Maria pagkatapos mapuspos si Isabel ng Espiritu Santo. Itong galak at pasasalamat ay mababanaagan din natin sa ikalawang bahagi ng panalangin alay kay Maria:

Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
at pinagpala rin naman ang iyong Anak na si Hesus.

May iba’t ibang larangan ng galak. May galak na katuwaan lamang ng barkada habang nag-iinuman. May galak na dulot ng pag-awit ng alma mater song pagkatapos ipanalo ang isang laro sa UAAP. At may galak na dama ng isang ina pagkaluwal ng kanyang sanggol. Ngunit sa aking palagay, ang pinakamalalim na galak ay yaong galak na may kalakip na kapayapaan. Isang galak na nakabalot sa katahimikan. At sa kabila ng galak na ito ay ang malalim na pasasalamat.

Naisip ko tuloy, ito ata ang dahilan kung bakit tayong mga Pinoy ay patuloy na nakakaraos sa gitna ng kahirapan at paghihikaos. Marami kasi tayong pwedeng pasalamatan. Sa gitna ng gulo sa larangan ng pultiko, nakakalimutan natin na napakaganda ng ating bayan. Masaksihan man natin ang paglubog ng araw sa Caramoan o Camiguin o di kaya’y ang bukang liwayway sa Sagada o Malaybalay. Sa di pagkakasundo ng muslim at kristiyano, nakakalimutan natin ang napakagandang kultura ng Penafrancia sa Bicol at ng Ramadan sa Zamboanga. Sa tingin ko, kung patuloy tayong makapagpasalamat matikman ang tamis ng mangga at malanghap ang amoy ng kabihasnan sa Bulacan, makakamit natin ang tahimik at malalim na kagalakan. Hindi ito naiiiba sa pagtuklas katulad ni San Pablo sa salita ng Diyos at ang pagpuspos ng Espiritu kay Isabel.

At ang huling dahilan kung bakit malapit sa ating mga puso ang panalanging ito, dahil sa pagsamo at pagpapaubaya.

Sa ebanghelyo narinig natin ang pagsamo ni Maria sa kanyang Panginoon: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, at nagagalak ang aking tagapagligtas..” Ngunit kalakip nitong pagsamo ni Maria ang kanyang pagpapaubaya na maganap nawa sa kanya ang kalooban ng Diyos. Itong pagsamo at pagpapaubaya ang bumubuo ng huling bahagi ng pagsamo natin sa ating Mahal na Ina:

Santa Maria, Ina ng Diyos.
Ipanalangin mo kaming makasalanan.
Ngayon at kung kami’y mamamatay.
Amen.

Ayon kay San Ignacio, ang mainam na pananaw sa biyaya ay ang pananaw ng isang pulubing nanlilimos ng biyaya. Tila ganito rin ang pagsamo. Pagsamo dahil hindi tayo karapat dapat. Pagsamo kahit tayo ay makasalanan. May iba’t ibang larangan din ng pagsamo. May pagsamo na galing sa isang bata na gustong makipaglaro sa kapitbahay. May pagsamo mula sa kasintahan na hwag muna ibaba ang telepono at ituloy ang kwentuhan. May pagsamo ng isang magulang gustong makapag aral sa Ateneo ang anak. Ngunit kung ang pagsamo ay walang kapalit na kawalan, tila sumasablay ito.

Kaya naman kalakip ng pagsamo ay ang pagpapaubaya na hindi nagiging pabaya. Katulad ng pagsamo ng isang inang nagdadalang tao at ipinapaubaya ang kalusugan ng magiging anak. Katulad ng pagsamo ng isang bilanggong wala namang kasalanan at ipinapaubaya ang kanyang kalayaan. Katulad ng pagsamo natin na ang darating na halalan ay magiging daan ng tunay na pagbabago. Ngunit kailangan nga tayong magpaubaya na kailangangan nating magkaisa at sama sama tayong lahat para buoin at hilumin an gating bayan. Kaya naman tila mahirap talaga magpaubaya. Ngunit may malalim na karunungan na dulot ng pagpapaubaya. At ito nga ang naging karanasan ng Ating Mahal na Ina. Dinakila siya dahil siya ay nagpaubaya. Sa kabila ng kanyang pagsamo na matupad ang pangarap ng Diyos sa tao, nagawa ni Mariang magpaubaya.

Sa tatlong dahilang ito ng biyaya at pangako, ng galak at pasasalamat, at ng pagsamo at pagpapaubaya, nawa’y unti unti tayong namumulat na ang panalangin ng Aba Ginoong Maria ay daan para makamit ang langit at makatawid sa buhay na walang hanggan.

Sa dakilang kapistahan ng Pag-akyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria, tila nababanaagan natin kung paano nakamit ni Maria ang kalangitan. Isang kalangitan na hindi lang natin maaakyat kapag tayo ay sumakabilang buhay na. Ngunit isang kalangitan na matutuklasan natin dito at matutuklasan natin ngayon. Isang mithiin ng kalagitan na ipinamamana sa atin ngayon ng ating Panginoon. At ang landas patungo dito ay nasa halimbawa ni Maria. Sapagkat ang pangako pala ay hahantong sa pasasalamat; at ang pasasalamat naman ay hahantong sa pagpapaubaya. Kalakip ng pagpapaubaya ay ang biyaya; Kalakip ng biyaya ang galak; at kalakakip ng galak ay ang pagsamo na may taglay na pangako.

At habang patuloy nating dinarasal ang Aba Ginoong Maria, mamumulat tayo na lalalim ang ating pananampalataya, pag-asa at pagmamahal. Sa gitna ng biyaya at pangako, namamayani pala ang pananampalataya. Sa gitna ng galak at pasasalamat, matatagpuan pala ang pag-asa. At sa gitna ng pagsamo at pagpapaubaya, magwawagi pala ang pagmamahal. Kaya naman, hanggang may isang batang nagdadasal ng Aba Ginoong Maria nang buong pananampalataya, malalampasan natin ang disyerto at makakamit natin ang lupang pangako. Naniniwala akong hanggang may isang binatang nakaluhod at nagdarasal ng Aba Ginoong Maria, may pag-asa pa rin ang ating bayan. At hanggang may isang lolo na nagdarasal ng Aba Ginoong Maria sa tabi ng kanyang irog, limampung taon na ang nakararaan, mamamayani pa rin ang pagmamahal natin sa kapuwa at sa bayan.

Kaya marahil sa kasaysayan ng ating mga pamilya at sa kasaysayan ng bayan, tugmang tugma ang panalanging ito. Sa panahon man ng kagipitan at di katiyakan, nariyan ang ating Mahal na Ina. Akmang akma ang panalanging ito, maging isa man tayong sundalo isinabak sa Mindanao, o isang pulis na gustong manatiling tapat kahit corrupt na ang hepe ng kanyang himpilan. Tugmang tugma ang panalanging ito, maging estudyante man tayo ng Ateneo, taas noong inaawit pa rin ito sa gitna ng pagkatalo o di kaya’y isang sastre sa Sapang Palay, tuwang tuwa na nakapasa ang kanyang anak sa UP. At masasamahan tayo ng panalanging ito sa gitna ng kadiliman at kahirapan. Sa simbahan na matatagpuan sa tagpi tagping barung barong sa Navotas na malapit nang ma-demolish. O di kaya’y sa mga nagsisilakihang mga simbahan sa Rome at Milan, punung puno ng ating mga kababayang sabik umuwi dahil malayo sa mga pinanggalingan. Mapapasaatin ang panalanging ito sa gitna ng paghahanap natin ng kasagutan sa napakasalimuot na suliranin ng ating bayan. Sa gitna ng mga tanong na tila walang kasagutan.

Batid kong lahat tayo dito ngayon ay mga ipinapanalanging mga biyaya at pangako. Batid kong lahat tayo dito ngayon ay may nais ipaabot na galak at pasasalamat. At batid kong lahat tayo dito ngayon ay may itinatagong mga pagsamo at pagpapapaubaya. Kaya’t sa gitna ng katahimikan at sa gabay ng ating mahal na Ina, taglay ang pananampalataya, pag-asa at pagmamahal, manalangin tayo ngayon:


Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya.
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
at pinagpala rin naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos.
Ipanalangin mo kaming makasalanan.
Ngayon at kung kami’y mamamatay.
Amen.

Tuesday, August 11, 2009

Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria


Noong nakaraang linggo, nagluksa ang buong sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng dating Pangulong Corazon C. Aquino. Sa huling pagkakataon muling nagbuklod ang buong sambayanan upang ipakita ang ating pagmamahal at suporta kay Pangulong Cory, na siyang naging instrumento ubang maibalik ang demokrasya sa ating bansa. Patunay dito ang libo-libong mga taong nagpakita ng suporta at pagmamahal kay Cory sa araw ng kanyang libing sa kabila nang malakas na buhos ng ulan. Maging sa kamatayan, patuloy pa rin tayong pinag-kakaisa ni Pangulong Cory. Tunay mang masakit para sa ating mga Pilipino ang paglisan niya, nakita pa rin natin ang pagkilos ng Diyos sa ganitong pagkakataon. Naipakita natin na kaya nating muling magkaisa para sa isang adhikain. Sa pamamagitan nito, nabuhay at nag-init muli sa bawat isa ang pag-asa para sa ating bayan.

Ngayong buwan ng Agosto ipagdiriwang natin ang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Ito’y isang mahalangang katuruan ng Simbahang Katolika na nagsasaad na si Maria, sa pagtatapos ng kanyang pag-iral sa lupa ay iniakyat ng Panginoon sa langit, “kaluluwa’t katawan”. Mas makatutulong marahil na unawain natin ang pagdiriwang na ito hindi batay sa pisikal na pag-akyat ni Maria sa langit kundi ang mas malalim na kahulugan nito sa ating buhay pananampalataya.

Ang pag-aakyat sa langit kay Maria ay bunga ng kanyang pagtugon sa tawag ng Panginoon na maging Ina ng Diyos. Ipinakita ni Maria ang kanyang buong pusong pagtugon sa tawag ng Diyos kahit hindi niya lubusang batid at nauunawaan ito. “Narito ang lingkod ng Panginoon. Maganap nawa sa akin ang ayon sa wika mo.” (Lucas 1:38) Para sa ilan sa atin, mahirap sumuong sa isang sitwasyon na hindi natin lubos na nalalaman ang kahihinatnan. Sa kabila ng maaring nadamang takot o pagdududa, ipinagkatiwala niya pa rin ang kanyang sarili sa Diyos. Pikit matang nagpaubaya si Maria sa naisin ng Diyos. Nagpamalas siya ng pagtataya ng sarili sa ninanais ng Panginoon hindi lamang para sa kanyang kapakanan ngunit para sa kaligtasan ng lahat. Dahil sa buong pusong pagtanggap ni Maria, biniyayaan siya ng natatanging lugar sa langit kapiling ng Panginoong Hesus.

Gaya ni Maria, si Pangulong Cory ay naharap din sa katulad na situwasyon. Bago niya tinanggap ang ‘tawag’ sa kanya upang maging Pangulo ng Pilipinas, siya ay isang pangkaraniwang maybahay at ina. Ngunit sa kabila ng kawalan ng katiyakan, buong pananampalataya at tiwala niyang inialay ang kanyang buhay at pagsisilbi para sa kapakanan nating mga Pilipino. May malalim na pananalig si Pangulong Cory, hindi lamang sa Diyos, kundi sa sambayanang Pilipino.

Si Maria ay tunay ngang pinagpala ng Panginoon. Isinabuhay niya ang langit sa sangkalupaan hanggang matamo ang kaganapan nito sa piling ng Panginoon nang maiakyat siya sa langit. Ang misyong ginampanan ni Maria ay hindi nangangahulugang iba siya sa atin. Ang niloob ng Panginoon para kay Maria ay siya ring niloloob ng Panginoon para sa ating lahat. Nais ng Panginoon na tayo ay Kanyang makapiling habambuhay. Ang karanasan ni Maria na makapiling ang Panginoon sa panibagong buhay ay nagbibigay sa atin ng pag-asa at pag-asam na balang araw ay makakapiling din natin ang Panginoon na siyang lumikha sa atin. Dahil sa espesyal na grasyang natamo ni Maria, tayo rin ay nakikinabang sa biyayang ito dahil naipapaabot natin ang ating mga panalangin kay Hesus sa pamamagitan ng kanyang inang si Maria.

Manalangin tayo…

Panginoong Hesus,
Gaya ng halimbawang ipinakita ng pumanaw na Pangulong Cory Aquino, dumulog din sana kami sa iyong Ina, nang maipaabot niya ang mga panalangin namin sa Iyo. Sa paraang ito, mabuo nawa ang aming bayan sa mga gawain ng pagkakaisa at sa pagdarasal namin para sa isa’t isa. Pahintulutan niyo nawang maranasan ng bawat isa sa amin ang langit sa sangkalupaan hanggang bigyan mo ito ng kaganapan sa pagdating ng araw na iyong itinakda. Amen.